Tuesday, 5 August 2008

Langonisa Meal


Papasok ako ng McDo sa Tottenham Court Road sinisipat ko yung menu board nila. Napa buntong hininga na naman ako. Hay wala yung gusto ko. Langonisa meal ng McDo yan ang gusto kong kainin, kaso wala, milya milya naman kasi ang layo ng McDo intramuros, sa McDo rito sa London. Pinaka malapit sa panlasa ko at sa mga dati ko ng ino-order eh pancake meal.


Can I have one pancake meal please? Mala brit accent kong order sa front crew man ng Mcdo. Two quid sixty five pence mate sagot naman nya, sabay abot ko ng 20 pounds note. Have you got smaller change mate? No unfortunately. Ganting sagot ko.


Habang kinakain ko ang pancake meal ko naalala ko yung med-schl days namin. Kumakain lang ako ng pancake meal sa umaga pag bandang biyernes or malapit na ang pag uwi ko sa aming bahay. Dahil wala ng natitira sa 500 allowance ko weekly non. Kaya imbes na longganisa meal, pancake meal na lang kasi mas mura. Kasabay ko ang mga kasama ko sa dorm non, sila Alyel, Laurence, at Dennis.


Noong hindi na ko nag-do dorm dahil binarikadahan ng swat team ang dorm namin dahil nag-i-squat lang pala ang kasera namin sa lupa ng iba. Parati pa rin akong sumasabay sa mga ka-frat ko na mag-agahan sa McDo intramuros. Syempre dahil uwian na ako, di na ako nauubusan ng allowance kaya everytime na oorder ako ng breakfast meal ang walang kamatayang Langonissa meal ang aking oorderin, me dagdag pang extra-rice pag mejo may exams, dahil nadadalas rin ang exams nadadalas rin ang aking pag-order ng extra fried rice. Kaya pagtapos ng aking second year med-proper lumulobo na talaga ang aking katawan. Halos higit 4 na taon na ang nutrisyon ng aking katawan ay nangagaling sa longanisa breakfast meal, siguro halos lahat ng mga estudyante ng medisina noong panahon namin, ganon din ang routine. Hanggang naka-graduate ako ng medicine at sinumpang di na ako kakakain ng langonisa meal.


Nag-sesentimiyento de asukal na naman ako. Well for one naalala ko na naman ang simpleng buhay ko non sa atin. Si Alyel nga pala yung ka-brod ko na ka-dorm mate ko din nag-training sa London dahil british company yung may ari ng barko na kung saan siya ang ship physician, dinalaw ko sya sa hotel nya at sinamahang mag-sight seeing sa London. Halos 10 oras kaming walang hinto sa paglakad at pagkuha ng mga pictures, hanggang sa napagod at umuwi sa hotel nila, bago ako umalis nag-pa inom si Mokong sukat ba namang orderin ay Cider drink, napangiti ako dahil sabi ko sa sarili ko, nautakan ko siya kasi di naman talaga ako umiinom at buti na lang ang inorder nya ay sukang pinabulok lang at hindi beer. Si Alyel kasi certified sunog baga ito ng dorm namin kasama ni Noel at Edwin, sila ang malakas uminom at mag-yosi.


Pagkatapos naming uminom ng cider umoorder ang mokong ng pizza at spaghetti, mahina pa ring kumain ang aking ka-brod kaya ako pa rin ang umubos ng spaghetti at kalahati ng pizza nya. Tapos nag-aya siyang uminom uli. Sabi ko sa kanya di ako umiinom eh alam mo naman yan, sabi nya inde last na to. Ako na ang pumunta sa bar at umoorder ng San Miguel beer. Di ko inorder ang heineken at guiness kasi me available daw na San Miguel beer, ang kaso not made in the Philippines but made in Barcelona, Spain.


Lumabas kami ng hotel at sa veranda uminom ng san miguel, pag patak pa lang ng san miguel beer sa dila ko, halos parang lumutang ako sa alapaap. Nakalimutan ko ang aking sarili at parang nag-time travel ako. Ang beer na iniinom ko ay hindi made in Barcelona, Spain eto ay made in the Philippines at ako ay sure na sure. Parang eto yung mga T-shirt ng GAP na made in the Philippines na ibinebenta sa Harrods. Tinatakan lang pero sa totoo made in the Philippines. Di naman talaga ako umiinom ng beer pero pag lapat pa lang sa panlasa ko ng beer na hawak ko, naalala ko ang lasa ng mga beer sa atin, na dati ang panlasa ko ay mapait na amoy iheng likido. Ewan ko ba parang ang sarap ng beer na nainom ko ng gabing iyon.


Kinabukasan umuwi na si Aleil pabalik ng pinas, hinatid ko sya sa airport.


On my way home nakakita ako ng McDo at nag-decide na kumain bago umuwi sa aming bahay ko. Pumasok ako sa McDo at nag-order. Can I have one langonisa meal please? Pardon ,at naka tiim bagang na ganting sagot ng front crew man sa akin. I'm sorry I mean I would like to have a pancake meal.


Can I have one pancake meal please? Mala brit accent kong order sa front crew man ng Mcdo. Two quid sixty five pence mate sagot naman nya, sabay abot ko ng 20 pounds note.


At ako ay tuluyang napangiti sa aking maliit na pagkakamali.

1 comment:

Anonymous said...

longanisa meal ---love it!! kung pwede ko lang pa ups ang longanisa meal sayo gagawin ko kaya lang di pwede, kunan ko na lang ng pic hehehehe!!!

take care stay happy!!!!